Recap ng Pahayag ni Ka Angel…kitang-kita na!

 

“Ano problema po natin? Yong mga nasa paligid po niya, nasira na po, nasira na po ang doktrina ng Iglesia ni Cristo.

Kung papaano nyo hinangaan noon, ngayon po nakita niyo, napakarami nang anomalya. Napakaraming mga tiwali na ginagawa po ngayon sa Iglesia.

Iyon po ang ayaw po namin.

…Pinagbabantaan po kami. Yan pong Sanggunian, may sinasabi na lumalaban po kami sa pamamahala. Hindi po kami lumalaban. Mahal po naming ang aming kapatid, na siyang namamahala ngayon sa Iglesia.

Ang amin lang paki-usap, huwag siyang maniniwala doon sa Sanggunian na kanyang pinagkakatiwalaan. Sapagkat nauubos na ang abuloy ng Iglesia sa kung anu-anong mga proyekto na hindi naman kailangan!..

…Meron po kasi tayong mga konstrukyon na mga hindi naman sana dapat naipagawa…Kaya tuloy nahihirapan iyong iba na kung papaano babayaran yong mga maintenance cost noon.

…Isa na ang Phil Arena na ipinagtataka ko kung bakit nabuo, dahil nga sa ang aming laging priority na ipinagagawa ay ang mga malalaking kapilya po. Alam niyo naman ho yon, e bakit ngayon napunta ang focus natin doon, sana man lang kung hindi nauubos ang pondo para po sa pag-gawa ng mga kapilya di ho ba?

Tungkol kay ka Tenny-

…Siyempre nalulungkot po siya dahil sa hindi sya naiintindihan po ng kasalukuyang namamahala. Inuulit ko lang po, mahal po naming ang kapatid na Eduardo V. Manalo. Kaya lang nalulungkot po kami sa nangyayari ngayon.

Hindi po kami papayag na lapastanganin po ang doktrina ng Iglesia ni Cristo, dahil ito ay ginagawa ng ilang nakapaligid po sa aming kuya… sa aming kapatid.

…Gusto ko nga po na manawagan sa aming mga kapatid. Kung maaari po sana ay manawagan, una sa lahat- sa lahat ng mga ministro at manggagawa ng Iglesia ni Cristo. Ako po ay nakikiusap sa inyo, na manindigan po tayo, huwag po kayo matakot..

…Na makapag-bigay po ng strong statement sa kapatid na Eduardo Manalo, na ang Iglesia po ay nasasalaula na.”

(Rappler)

 

Pagsamahin nyo itong pahayag ni Ka Angel, pati na ang mga resibo nang mga utang at ang mga account numbers ng mga utang sa iba’t-ibang bangko na naka-expose na sa buong internet! At ang mga katawa-tawa na mga barangay chapels! Mga walang katapusan na AMBAGAN ng mga kaanib sa mga lokal! Kakulangan ng tulong para sa mga ministro at manggagawa! Mga kapilyang nasisira na! Mga properties ng Iglesia na ibinebenta at isinasanla!..

At sangkaterba pang mga pautot ng OWE CHURCH…

Binggo! Sapol na sapol!

Expose na expose na!

Pero sige lang…. Hide pa more!!!

Gising mga kapatid!!!

 

Advertisements

3 thoughts on “Recap ng Pahayag ni Ka Angel…kitang-kita na!”

  1. Kaya pala nung araw ng Martes pinulong ang Pamunuan & Panguluhan ng lokal. Nagpakalat ng balita na sukdulan na daw ang panggugulo sa Iglesia. Tinanong ang katapatan kay EVM & pakikipagkaisa sa pamamahala. Nais daw ipakulong ang mga taga sanggunian. Nun pala may ginagawa na silang kababalaghan sa 36 Tandang Sora. Gustong ilayo ang isipan ng mga kapatid sa totoong kaganapan na nangyayari nung araw na yun. Kaya magkakaroon daw ng pagbabantay sa kapilya 24 oras. Dahil may mga nagbabalak daw manira sa mga kapilya at sinumang masumpungan iligpit o patayin. ANO DAW??? PATAYIN! Sinong diyos nyo ang nag utos??? ang ama nyong diablo??? Mga SINUNGALING! Tamaan nawa ng Kulog & Kidlat ang mga duwag na ministro.

    Like

  2. “Nasira na po, nasira na po ang doktrina ng Iglesia ni Cristo.”
    – naniniwala ako sa sinabing ito ni Ka Angel. Bakit kamo?

    – Pwede na magsuot ng T-shirt sa pagsamba saka sa panata, basta yung T-shirt mo ay “I am one with EVM.”
    – Pwede ka na manlait at magmura sa mga “kaaway” daw, basta para kay EVM.
    – Ok lang na lapastanganin mo ang magulang mo, basta unahin mo ang pagsunod kay EVM.
    – Magagalit sa yo ang mga bulag kapag “I am one with Christ” o “I am one with God” ang sinasabi mo imbes na “I am one with EVM.”
    – Mas mahalaga ngayon na biglang kaaliwan si EVM kaysa ang Diyos at si Cristo.
    – Para sa mga bulag, ang “pinakaimportanteng tao sa buong mundo” ay hindi na si Cristo, kundi si EVM na.
    – Ok lang na magsuot ka ng thumbmark na katuparan ng hula sa Apocalipsis, tutal galing naman kay EVM yun at tanda naman daw yun ng pagiging “One with EVM” mo.
    – Ok lang na mabago ang araw at oras ng pagsamba, ok lang na maisantabi ang Diyos, tutal si EVM naman ang dahilan kung bakit mababago ang oras ng pagsamba.
    – Ok lang na huwag kang tumupad ng tungkulin mo, basta unahin mo ang pagpunta sa mga pagsamba ni EVM.
    – Ok lang na huwag kang tumupad ng tungkulin mo, basta sundin mo muna kung ano ang gustong ipagawa sa yo ng ministro nyo sa lokal nyo.
    – Bawal ka mag-share o mag-post ng mga talata ng Biblia na hindi kasang-ayon sa kung ano ang ginagawa ni EVM sa Iglesia ngayon.
    – Hindi na pasya ng puso mo ang paghahandog, kundi pasya na ng ministro.

    At marami pa. Pwede pa kayo magdagdag dito 🙂

    Like

  3. MGA KAPATID KAILANMA’Y HINDI MASISIRA ANG DOKTRINA NG IGLESIA NI CRISTI SAPAGKAT ITO’Y MGA SALITA NG DAKILANG DIOS… MAAARING HINDI NILA TUNAY NA SUSUNDIN ANG MGA DOKTRINA MANAP’Y GAGAMITIN NILA ITO SA MGA MASASAMANG GAWAIN NG DAHIL SA KAPANGYARIHAN NITO. SILA AY KINATUPARAN NG MGA PAUNANG SALIT A NG ATING PANGINOONG DIOS …. SILA’Y MGA MASASAMANG LEADER NA AAPI SA MARAMING KAPATID AT SA MGA BALO…. UUPO SA TEMPLO NA NAGLALARAWAN NA KAPANTAY NYA ANG DIOS. NGUNIT PAKATANDAAN ITO; ANG DOKTRINA O MGA SALITA NG ATING PANGINOONG DIOS KAILANMAN AY HINDI MASISIRA HANGGANG SA MAGANAP ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA KANYANG PINANUKALA UPANG DALHIN AT MAIHARAP SA KANYA NG KANYANG ANAK NA ANG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO NA ANG IGLESIA AY MALINIS, MARILAG, BANAL AT WALANG BATIK NG DUNGIS O KAPINTASAN MAN.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s