MAHALAGANG PAGLILINAW: Ang Makabagong Elias… hindi si Elias Arkanghel!

Post by Ka Dante Daguman:

Kuyang: Katulad ng nasabi ko kanina, KAILANGANG MAG INGAT ANG MGA KAPATID AT MAGING ANG MGA NATIWALAG na nakikipaglaban upang maibalik sa kaning ningan ang Iglesia. Dahil mayroong mga magbabangon na LILINLANGIN TAYO, DADAYAIN TAYO sa lahat ng paraan, at TIYAK na may MAKIKISAKAY sa mga nangyayari ngayon.

Katulad nitong nagpapakilalang ELIAS ARKANGHEL, post nang post patungkol sa panaginip niya. NAG IMBISTIGA AKO AT AYON SA MGA KAIBIGAN NATIN SA LOOB AY ITONG NAGPAPAKILALANG ELIAS ARKANGHEL NA ITO AY ITINIWALAG SA PANAHON PA NG KA ERDY DAHIL SA PAGLABAN SA MATUWID NIYANG ADMINISTRASYON AT NAGTATAG NG RELIHIYON.

Ano ngayon ang pakay niya? Dahil sa may binanggit si ka Erdy noon na kapag hindi nila tinupad ang mga habilin ko ay BABANGON AKO! Pero alam nating ang pagbangon na binabangit ni ka Erdy ay hindi literal na siya ay babangon at lalabas sa libingan dahil malalabag ang nakasulat sa Ecclesiastes na ang pagbangon ng mga nangamatay ay sa panahon pa ng araw ng paghuhukom, maliban ang mga himala na ginawa ng Panginoong Jesucrsito na binuhay niya na mga patay.

Samakatuwid, matutupad ang sinasabi ng ka Erdy na may MAKABAGONG ELIAS na magsasaayos ng lahat, babangon siya sa ibang katauhan, o ang espiritu o DIWA niya ang babangon sa taong iyon bilang Elias na siyang magsasaayos ng lahat. MAAARING ISA SA MAGKAPATID NA KA ANGEL AT KA MARK, o ANG MGA KAPATID SA IGLESIA.

Dante: Ano naman ang koneksiyon ni ELIAS ARKANGHEL dito po kuyang?

Kuyang: Si Elias Arkanghel kagaya ng sinabi ko sayo, dahil masyado akong naging interesado sa kaniyang mga post at website, na may pagtitiwalag na ginawa pa siya sa YouTube (walang pinagkaiba sa Sangoons, nagtitiwalag through text at email or phone) NAG-IINTERPRET PA SIYA NG MGA PANAGINIP, mukhang inilalayo na tayo sa simulain na itinuro ng kapatid na Felix Y. Manalo.

Dante: Masama po ba iyon kuyang nagpapakilala siyang Elias Arkanghel, o nag iinterpret siya ng mga panaginip.

Kuyang: HINDI kung siya talaga ay SINUGO ng Panginoong Dios. Subalit alam natin na wala nang ibang sinugo ang Dios sa mga huling araw na ito kundi ang kapatid na Felix Manalo lamang! Yang ELIAS ARKANGHEL na yan, kaya panaginip nang panaginip yan kasi TULOG NANG TULOG yan! Kung nabubuhay pa si ka Vivencio Pineda mababatukan yan eh! Sasabihin sa kaniya, “ENGOT TULOG KA KASI NANG TULOG KAYA PANAGINIP KA NG PANAGINIP SA HALIP NA MAG-ARAL KA!” Parang natutupad tuloy yung sinasabi ng Biblia tungkol sa taong MAPANAGINIPIN!

Ang kapatid na MANALO ay naging SUGO hindi dahil sa mga panaginip! Sinabi ba niya na “OH MAKINIG KAYO SA AKIN KASI NANAGINIP AKO ETO ANG IBIG SABIHIN NG PANAGINIP KO..” HIndi ganun! Ang katunayan ng isang pagiging SUGO ay natutupad ang hula o mga pangitain ng mga unang sugo o propeta ng Dios kagaya ni Isaias, Daniel, at ng iba pa… Ano sabi sa Isaias na katunayan ng pagiging sugo ng kapatid na Manalo? Hindi ba’t nakasulat sa Isaias ang gawain ng sugo, at sa Pahayag, na isang ibong mangdaragit na umaakyat sa sikatan ng araw dala ang tatak ng Dios na buhay? Gigiikin ang mga bundo at mga burol sa pamamagitan ng matalim na pang-giik (mga salita ng Dios) at ilalabas ang mga anak ng Dios sa Katolisismo at Protestantismo? Natupad o hindi natupad?

Dante: Natupad po.

Kuyang: Yan ang pagiging sugo ng Dios.

Dante: Eh kuyang… Sabi nga po diba may iba’t ibang kaloob daw, baka itong si Elias Arkanghel eh binigyan ng kaloob na mag interpret ng mga panaginip?

Kuyang: SIRAULO niya kamo!

Dante: Hahaha! (yan ha sinama kopa tawa ko)

Kuyang: Ang panahon natin ngayon ay KATUPARAN NG MGA PANAGINIP AT PANGITAIN NG MGA PROPETA AT MGA APOSTOL, NASA BIBLIA NA LAHAT HUWAG NA NIYANG DAGDAGAN GAGO SIYA! TULOG KASI SIYA NANG TULOG, SABIHIN MO SA KANIYA MALIGO SIYA PARA MAHIMAS MASAN SIYA! PARA SIYANG SI VILARDE NG EL SHADDAI, NAGPABUNOT NG NGIPIN, NAG DELIRYO DAHIL DUN SA GAMOT NA ISINAKSAK SA KANIYA TAPOS NUNG NAHIMASMASAN SIYA AY NANGARAL NA AT NAPANAGINIPAN DAW NIYA NA SINUSUGO SIYA NG DIOS! Walang pinagkaiba yang nagpapakilalang Elias Arkanghel na yan!

Kapag nakita ko nang personal yan madadagukan kopa yan eh!

HALATANG HALATA NA NAKIKISAKAY SIYA SA MGA NANGYAYARI SA IGLESIA NGAYON! TAPOS SASABIHIN PA NIYA NA NATUTUPAD YUNG MGA PINANUKALA NIYANG MANGYAYARI NA MAGKAKAROON DIUMANO NG EGM AT NANGYARI NGA, OR MAGKAKAGANITO AT NANGYARI NGA… BAKA NGA PAKAWALA PA YAN NG SANGUNIAN AT NASA MGA DEFENDERS DIN YAN NGAYON AT NAGIIMBISTIGA LANG. HINDI NATIN ALAM, PERO ANG MGA TACTICS NIYAN AY BULOK!

(Sumisigaw na si Kuyang, at inalalayan kona sa telepono baka atakihin sa puso kasalanan kopa)

Dante: Eh natupad nga daw po ang mga paginip niya eh.

Kuyang: Ayon sa Deut.13:1-5 kahit may bumangon pa sa gitna natin na magsabi ng mga panaginip na ang mga panaginip niya ay ipinaliwanag niya at ang mga ito ay magkatotoo, eh suriin natin, ano ba layunin niya, ano ba pakay niya, ano ang pinupunto niya?

Sa nakikita ko kaya niya ito ginagawa upang hikayatin tayo na maniwala sa kaniya, at siya ay isinugo ng Dios. Pero hindi ganun, iisa lang ang sugo sa mga huling araw, ito ang kapatid na Felix Y. Manalo. Sa nakikita ko sa huli ay hihikayatin niya ang mga kapatid na maniwala na siya ang Elias na magsasa ayos nang lahat, kaya nga nagpapakilala na siyang ELIAS ARKANGHEL!

Deuteronomy 13:1-5Amplified Bible (AMP)

13 “If a prophet arises among you, or a dreamer of dreams, and gives you a sign or a wonder, 2 and the sign or the wonder which he spoke (foretold) to you comes to pass, and if he says, ‘Let us follow after other gods (whom you have not known) and let us serve and worship them,’ 3 you shall not listen to the words of that prophet or that dreamer of dreams; for the Lord your God is testing you to know whether you love the Lord your God with all your heart and mind and all your soul [your entire being]. 4 You shall walk after the Lord your God and you shall fear [and worship] Him [with awe-filled reverence and profound respect], and you shall keep His commandments and you shall listen to His voice, and you shall serve Him, and cling to Him. 5 But that prophet or that dreamer of dreams shall be put to death, because he has counseled rebellion against the Lord your God who brought you from the land of Egypt and redeemed you from the house of slavery, to draw you away from the way in which the Lord your God has commanded you to walk. So you shall remove the evil from among you.

Dante: Ano po ang sasabihin ko sa mga kapatid na defenders, mga nakatala o mga natiwalag na naghahangad na marestore ang Iglesia?

Kuyang: Sabihin mo sa kanila na mag-ingat, ingatan ang TUNAY na pananampalataya. Kahit wala na ang iba sa talaan ng Iglesia dito sa lupa, ang Dios parin ang hahatol sa ating lahat! Mateo 20:28 hahatulan tayo ng Dios sa ating mga gawa. Ngayon sa mga nangyayari, HINDI MADALI ITO, HINDI SANDALI ITO, MAHABANG LABANAN ITO… Ang bayang Israel sa paghahari ni Saul ay nahati rin, ang iba ay walang magawa kundi pumanig kay Saul sa loob ng 40 years at ang iba ay kay David na kalaunan ay naging hari din ng bayang Israel. HUWAG PADADAYA sa mga bumabangong BULAANG PROPETA na MAPANAGINIPIN!

HINDI PANAHON NG MGA PANAGINIP NGAYON KAHIT MAGKATOTOO PA YAN AY NAGKATAON LANG YAN, O MAAARING ITINULOT LANG NG DIOS YAN, PANAHON NGAYON NG KATUPARAN NG MGA HULA NG DIOS, PANGITAING IBINIGAY NIYA SA MGA PROPETA NOON!

PANAHON NGAYON NG PAKIKIPAGBAKA SA MGA KATIWALIAN AT KASAMAAN! Kaya nga nasabi ni Apostol Pablo, Kahima’t kami o ang ibang mga nilalang, o mga anghel o alinmang kapamahalaan ay MAITAKWIL ninyo kung magtuturo na ng ibang aral na itinuro sa atin ng Panginoong Jesucristo!

. . . . . . . . . . . . . . .

Gising mga kapatid!!!

https://joselakas.wordpress.com/2015/11/07/pagbubunyag-pagkaka-upo-ni-evm-sa-puwesto-by-self-appoint/

https://joselakas.wordpress.com/2015/11/07/pinakamalaking-pasabog-si-ka-marc-ang-tunay-na-nanumpang-tagapamahala/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s