PAGBUBUNYAG: Pagkaka-upo ni EVM sa puwesto… by SELF APPOINT!!

POST BY KA DANTE DAGUMAN:

Kausap ko kanina ang isang retirado at kilalang ministro… Nakasama ng ka Eraño G. Manalo, narito ang pag uusap namin:

Dante: Kuyang kumusta po kayo, bakit po kaya nagkaganito ang Iglesia sa ilalim ng pamamahala ni EVM, 95 years puno ng pagtatagumpay, pagkakaisa at pagmamahalan nasira sa loob lang ng anim na taon?

Kuyang: Dante alam mo kasi ang kapatid na Felix ay may karapatan bilang sugo ng Dios, may basbas at patnubay mula sa langit kaya nagtagumpay ang gawain at nakita ang paglago, pagningning at pagkakaisa ng Iglesia!

Dante: Bakit sa panahon ng ka Erdy ay ganun din po?

Kuyang: Sapagka’t ang ka Erdy ay may KARAPATANG MULA SA DIOS at alam nating inihalal siya ng mga Tagapamahala ng Distrito (Tagapamgasiwa) upang humalili sa Sugo. Kaya hindi lang lumago kundi lalo pang nagning-ning ang Iglesia, lalong tumatag ang pagkakaisa at pagmamahalan, lubos na nagtagumpay!

Dante: Bakit naman po sa panahon ni EVM ay 6 na taon lang ay nasira ang lahat ng pinagpagalan ng Sugo at ng ka Erdy?

Kuyang: Alam mo kasi… KAPAG ANG NAMAHALA SA BAYAN NG DIOS AY WALANG KARAPATAN, HINDI APPOINTED NG DIOS, SA MADALING SALITA AY SELF APPOINTED LANG ay ganyan talaga ang mangyayari! Babagsak, magigiba, MABIBIGO at MAGKAKAWATAK-WATAK ang mga tao ng Dios!

Dante: Wala pong karapatan, eh hindi po ba pII Tagapamahalang Pangkalahatan si EVM ng ka Erdy?

Kuyang: OO WALANG PAGTATALO! PERO NOON YUN! SUBALIT NUNG GUMAWA SIYA NG ISANG BAGAY NA INILIHIM NIYA AA PAMAMAHALA NOON AT NAKIPAGSABWATAN SA KANIYANG ASAWA, NANG ITATAG NILA ANG STF O SPECIAL TASK FORCE AY AUTOMATIC NAALIS NA SIYA SA PAGIGING PANGALAWA DAHIL SINIRA NIYA ANG SINUMPAAN NIYA NA PASASAKOP SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN!

Dante: Eh papaano po yun nang mamatay si ka Erdy wala napong lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan sa Iglesia?

Kuyang: MERON!

Dante: Sino po?

Kuyang: Matalino si ka Erdy! Tandaan mo may patnubay ng Dios siya! BAGO SIYA MALAGUTAN NG HININGA ISA SA MGA NAKABABATANG KAPATID NI EVM AY PINANUMPA NIYA BILANG TAGAPAMAHALAN PANGKALAHATAN NG IGLESIA!

Dante: Papaano po yun kuyang, sabi nila may proseso yan gaya ng nangyari sa ka Erdy pinagbotohan siya?

Kuyang: OO totoo yan, pero yun ang naging proseso at pamamaraan ng SUGO at may patnubay ng Dios!

Sa panahon ng ka Erdy wala nang time, mahina na siya at malalagutan na ng hininga! MATUWID NA TAGAPAMAHALA SI KA ERDY KAYA KUNG PINAGPASYAHAN MAN NIYA NA PANUMPAIN ANG ISA SA MGA NAKABABATA NIYANG ANAK, ALINMAN KAY KA ANGEL O KA MARK AY NASA SA KANIYA YUN, DESISYON NIYA YUN AT MAY PATNUBAY NG LANGIT!

Walang pinagkaiba sa panahon ni Moises, si JOSUE ba ay PINAGBOTOHAN para humalili kay Moises? Unang una ni HINDI NGA ANAK NI MOISES SI JOSUE, HINDI PINAGBOTOHAN NOON NG MGA TAGAPANGASIWA NG ISRAEL PERO PINILI NI MOISES UPANG HUMALILI SA KANIYA, AT ITO AY INAPRUBAHAN NG DIOS SAPAGKA’T MATUWID ANG PAMAMAHALA SI MOISES NOON SA BAYAN NG DIOS AT ANG KANIYANG PAG-APPOINT KAY JOSUE AY PINAGTITIBAY NG DIOS, WALANG BOTOHAN NA NANGYARI!

Kagaya ng mapalad na magnanakaw, nakapakonsa krus sila ng Panginoong Jesucristo, wala nang pagkakataon para siya bautismuhan ng Panginoon pero maliligtas siya. GANYAN DIN ANG NANGYARI KAY KA ANGEL O KA MARK, WALA NANG PANAHON ANG KA ERDY NA PULUNGIN ANG MGA TAGAPANGASIWA AT GAWIN PA ANG BOTOHAN NA PINIPILIT NILANG DAPAT AY NANGYARI!

INIREKUMINDA NG KA ERDY SA DIOS ANG KA MARC O KA ANGEL PARA MAMAHALA SA IGLESIA NA PAPALIT SA KANIYA AT ITO AY PINAGTITIBAY NG LANGIT!

Dante: Ano nangyari bakit si po si EVM ang namamahala ngayon?

Kuyang: SELF APPOINTED kaya nga nagkaganya ang Iglesia ngayon! Nagulat na nga lang si ka Tenny na biglang idiniklara niya na SIYA na ang opisyal na Tagapamahalang Pangkalahatan bagaman alam niyang HINDI SIYA! Biruin mo anim na taong nanahimik ang ka Tenny at magkakapatid, sa pag aakala na sa ganung paraan ay maitataguyod ni EVM ang Iglesia kahit hindi siya ang opisyal na TP? Ayaw kasi ng pamilya ng ka Erdy ng gulo at ayaw nilang magkawatak watak ang Iglesia. PERO NUNG PINAGBABATAAN NA ANG BUHAY NILA AY HINDI NA SILA NAKATIIS IBANG USAPAN NA YUN!

Dante: Ano po ang solusyon sa lahat ng kaguluhang ito?

Kuyang: Makipagusap si EVM sa magulang niya para MALIWANAGAN at MAGISING SIYA!

KASI ALAM MO KAPAG NAGUSAP SILANG MAG INA EH MAGIGISING NA SIYA!

Dante: Eh bakit po ayaw kausapin ni EVM nanay niya?

Kuyang: Alam mo ganito yan, halimbawa ikaw, angsarap ng panahinip mo, nasa paraiso ka, lahat ng gusto mo nakukuha mo, gusto mopa bang magising sa pagkakatulog mo?

Dante: Siyempre ayoko napo.

Kuyang: Ganyan ang nangyayari kay EVM ayaw niyang magising sa panaginip niya! Matagal na niyang pangarap na maging TP kaya nga kahit buhay pa si Sir noon nag aasal TP na siya, kaya nga malimit binabanggit ninka Erdy noon naaalala ko, “Hoy sabihin mo sa kanila buhay pa ako!”

Dante: Salamat po kuyang… Sana matapoa napo ang lahat ng kaguluhang ito.

Kuyang: Oo NAKIKIALAM NA ANG DIOS…

. . . . . . .

Gising mga kapatid!!!

Ang tagal nyo nang tulog!!!

Advertisements

21 thoughts on “PAGBUBUNYAG: Pagkaka-upo ni EVM sa puwesto… by SELF APPOINT!!”

  1. Panahon na po para matigil na ang mga masamang nangyayari sa INC ngayon dahil sa tulong po ng Panginoong Dios marami tayong lilinisin. Ang mga ministrong naghahari ngayon ay iyong mga binabanggit ni Ka EGM na mapaglupig, tampalasan at mapagsamantala sa kawan – mga tiwali. Hindi ko po mapigil ang lumuha habang sinusulat ko ang reply ko dahil sabik na sabik po kami sa mga mabiyayang pagsamba. Payat or malnourished na po ang kaluluwa namin. Ama maawa ka naman po sa iyong kawan, kailangan namin ang tunay na Tagapamahala na tunay na magmamalasakit sa iyong mga hinirang sa huling araw.

    Liked by 1 person

    1. Talagang magiging payat at “malnouroshed” yang kaluluwa mo dahil hindi ka naman TUNAY na INC. May paiyak iya ka pa habang nagcocomment. Kung tunay ka, hindi ka magsasalita ng mga ganyan

      Like

      1. duwag ka pala ayaw mong lumantad, hindi ka tunay na iglesia na natatakot ipaglaban ang tunay na naganap sa loob ng pamamahala. natakot o takot na takot ka sa salitang tiwalag. marami ka pang hindi alam, pagsisisihan mo iyong kamang-mangan. umaasa ka lang sa isinusubo sa iyo ng palpak na pamahalaan na hawak ng mga sanggunian.

        Like

      2. Ano kami bulag? tingnan mo nga kung sino ang kaharap ng Ka Erano na nanunumpa sa harap ng daang daamg mga kapatid sa loob ng templo..napaka clarado ang mga sinasabi ni Ka Eduardo habang nakataas ang mga kamay niya na nanunumpa. Sasabihin mo na either it’s Angel or Mark…Hello pareho kayong dalawang naguusap…non sense..Hindi Self appointed ang Ka Eduardo…siya mismo ang nanumpa bilang Katulong..Deputy nga di ba?…siyempre ng mamatay ang ka Erdy, siya ang magigiing Tagapamahala..paanong si Angel or Mark…mas may karapatan ang Ka Eduardo..kayo ang gumising. dahil hindi ninyo nakikita ang mga accomplishment sa loob ng Iglesia sa pangunguna ng Ka Eduardo…naku ..kung kayo ang nasa puesto? wala na giba na ang Iglesia…sa ngayon SOLID..NA SOLID..NAINTINDIHAN NINYONG DALAWANG NAG UUSAP..HELLO..KAYO ANG NANANAGINIP…kayo ang gumising.

        Like

    2. Nasa Mga Banal na Kasulatan ang lahat ng mga itong pangyayari sa INC. Bakit hindi suriin kung ano ang nakatakda dito? Basahin ng mga nakakaintindi ang mga prophecy tungkol dito. Isaiah 41:25 – ang pagdating ng panghuli.

      Like

  2. Ang ganda ng storya mo ha. Pwede sa pelikula. Daming adlib. Alm nyo mga kababayan kong mga tiwalag, o nasa kabilang relihiyon, o gusto lang manira, sa susunod “gandahan mo naman ang kwento mo” ung kapanipaniwala ang detalye.. Or sabihan mo kay Dante Daguman, gumawa nalang sya video at dun sya mgkwento. Walng maniniwala sa mga kwento ninyo eh. Gamitan nyo ng utak at imahinasyon. Thank you

    Like

    1. BUHAY KAPA ALAM KO KUNG SINO KA. KAMPON KA NI EVM. MAMATAY KARIN KASAMA NI EVM. SI EVM
      ay isang magnanakaw, mamamatay tao, pati INA itiniwalag. Sino ang kakampihan mo yan si EVM na MAGNANAKAW. Tamaan kayo ng kidlat ng Langit. Bilang na araw mo.

      Like

  3. Bakit ka nakinig sa asawa mo? Hindi lang ikaw ang napahamak, pati buong INC . Lumayas kayo isama mo ang lahat ng kakutchaba mo , hanggang puwede pang isafe ang INC. TALA BAN KA NAMAN SANA.

    Like

  4. To Anonymous, sino Ka para sabihin na hindi tunay na INC si Lilac? Only God can determine who is real and who isn’t. She has feelings so she can cry if she wants.

    Like

  5. Mali pa itong napuntahan kong blog. Puro wala na palang kaluluwa ang mga ito. Sorry po. Natakot na ako magcomment sa inyo at baka masunog din ako

    Like

    1. tama itong mnapuntahan mo para malaman mo ang katutuhanan. kulang kasi ang iyong kaisipan. na-brain washed ka ng mga corrupt na pamahalaan na pinamumunuan ng sanggunian at ang matapang na asawa ni EVM si jesebel.

      Like

  6. Just for your information, I sent this message below to our brother Antonio Ebanghelista, because until now he believes that EVM is not to blame:

    Brother Ebangelista I agree with you in some point but not in believing that Eduardo Manalo is not involved in the corruption, come on please, who in his right frame of mind will be believe that EVM is not involved. Please I know your a good man, a man of faith but please open your eyes, also don’t always pretend just because you still love this EVM that you will hide his evil deeds, please. There is a saying in filipino that ” kung sino ang puno siyang bunga” EVM is our present leader, so everything that is now happening which are worst, is in his knowledge and sight. No damn leader will ever let his cabinet members do the job without his knowledge, come on brother please don’t be ignorance on these civilise matters that are on going. Almost every human being with the right frame of mind will tell you that EVM is the mastermind of all these evil and that Jun Santos is one of his dummy. This never happens in EGM leadership, so don’t be sadden if I say this, EVM is liken to King SAUL, and I can assure you his days as leader are numbered.

    What I hope and pray is that one day God will hear the prayers of all INCdefenders that EVM will be remove and a new rightful leader place by God will administer His Church.

    God bless all,

    Tapatnalingkod

    Like

  7. I was born in the church ,an officer in my entire life,punuin mo man ang aking mail at mag message ka ng mag message ….hinding hindi ako tatalikod sa Iglesia at kasalukuyang pamamahala.matakot naman kayo sa Diyos !

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s