Banta sa mga Menorca – BUBUHAYIN pa ba kayo ng pamamahala??!!!

“…PINATAWAG AT KINAUSAP NI KA ERNESTO MABASA ANG ASAWA NI KA MENORCA – AT SINABI NA ANG ASAWA NIYA NA SI Ka Lowell ay may NILAKTAWAN NA DALAWANG TALATA ng huling nangasiwa!

…Ang pagsamba ay INI-RECORD ng isang kapatid na hindi naman dapat sasamba sa lokal na pinangasiwaan ni Ka Lowell. NAGKATAON LANG DAW na may hinahabol na BIYAHE ang kapatid na papuntang Manila kung kaya SIYA ay sumamba doon sa nasabing LOKAL.

…IDINAGDAG NI ERNESTO MABASA NA HINDI ISINASAMA SA PANALANGIN NI KA LOWELL SI KA EDUARDO! AT KAPAG HINDI ISINAMA SA PANALANGIN ANG PAMAMAHALA, ITO AY ISANG PAGLABAN SA KANYA!

…AT ANG TANGING SOLUSYON UPANG HUWAG MAWALAN NG KARAPATAN SI KA LOWELL AY: KUNG SASABIHIN NIYA ANG LAHAT NG NALALAMAN NIYA TUNGKOL KAY ANTONIO EBANGELISTA!

…AT BINANTAAN SILA NG – …“ANG TOTOO NIYAN, TALAGANG MAWAWALAN KAYO NG KARAPATAN..KAYANG- KAYA NINYONG MABUHAY SA LABAS NG MINISTERYO KAPAG NAWALAN NA KAYO NG KARAPATAN DAHIL MADALI LANG ANG MGA MATERYAL NA BAGAY.. PERO… ANG TANONG: BUBUHAYIN PA BA KAYO NG PAMAMAHALA??!!!”

…BAWAL TUMAWAG AT MAG TEXT KAHIT KANINO TUNGKOL DITO!

…“ETO ANG MAIPAPAYO KO SA IYO… SABIHIN MO NA SA PAMAMAHALA KUNG ANO ANG NALALAMAN MO. KUNG AKO SA IYO, AMININ MO NA SI KA MARK AT SI KA ANGEL ANG MAY KAGAGAWAN NITO.” Yan ang sinabi ni Ka Israeli Gatchalian sa kanila.

…PINILIT SILA NA I-SURRENDER ANG KANILANG MGA PASSPORT AT DAHIL NAGDUDUDA NA SINA KA LOWELL AY SINABI NILA NA HINDI NILA ALAM KUNG NASAAN ANG KANILANG MGA PASSPORT. AT DAHIL DITO AY PILIT SILA NA PINAPIRMA SILA NINA KA BIEN AT SINABI NA IPAPAGAWA SILA NG MGA BAGONG PASSPORT!

…DINUKOT SI KA LOWELL NG MGA ARMADONG LALAKI NA MAY GAMIT NA MALALAKING BARIL!…”

Gising mga kapatid!!!

Advertisements

8 thoughts on “Banta sa mga Menorca – BUBUHAYIN pa ba kayo ng pamamahala??!!!”

  1. first hand information narrated with veracity and credibility…

    kapani-paniwala po ang pagsasalysay na ito laban sa mga pinagsasabi ng INC spokesman.
    subalit sa kabila ng lahat ng ito,ang mga nasa sanggunian ay buong kayabangan sa pagsasalita at pananakot sa mga Ministro na hindi nila mapasang-ayon sa kanilang kagustuhan.
    kung nagagawa ito sa mga Ministro ano pa kaya ang hindi nila kayang gawin sa mga maliliit na kapatid na magtatanong sa kanila ?

    hanggang kailan kaya mananatili sa ganitong kalagayan ang mahal nating Iglesia?

    habang sinusulat ko ito ay nangingilid ang aking luha sa pagdaramdam…
    nagdaramdam ako sa pag-uusig nila sa Iglesia! sila na nasa loob din ng Iglesia ang umuusig!

    Ama! kailan mo igagawad ang Iyong katarungan para sa Iglesia?
    Igawad Mo sana sa amin ang iyong pagkalinga sa kasalukuyan naming kalagayan na walang masusulingan,
    walang mapagsusumbungan at naliligid ng takot na matiwalag sa Iyong Iglesia.

    Ama! maawa Ka sa amin.

    Like

  2. Napasakit at nakakatakot ang nangyari sa inyo. Ang Iglesia na kinagisnan ko ay wala na.
    Nakakalungkot at nakapanghihinayang
    Bahala na ang Dios.! Pero sa kabilang banda, Minorca family , sa inyong dalamhati, Ang Dios ay kasama ninyo. Hindi niya kayo iniwan at I’m sure magbabayad sa kanya ang lahat ng lumapastangan sa inyo. God bless u and Abigail.

    Like

    1. AMEN! AMEN! Ka Shenyang, hindi ko ito kanyang pakinggan, pero binalikan ko, pati narin ang Ka Lowell, nakakatakot po ang ginawa sa kanika. Pangalawang buhay ang binigay ng PANGINOONG DIYOS sa pamilyang ito.

      Paano na po kaya iyong iba pang ministro na na interview na hindi sila na abduct, buhay pa kaya sila? Dapat saliksikin na ng gobyerno ang mga Kapilya ng INC, to make sure na hindi sila nagtatago ng mga skeletons dyan at iba pa na pinaparusahan.

      Like

  3. It is beyond comprehension that this is happening in INC nowadays. We have nowhere to go. Ang mga ministro/pamamahala na inaasahan nating matatakbuhan sa panahon ng pangangailangan ay siya pang nanlulupig. Kung sa mga ministro ay nagagawa nila ang mga ito paano na po ang mga maliliit na mga kapatid? Nasasabik na po kami sa mga mabibiyang pagsamba. Patay na po ang aming mga kaluluwa dahil ang mga ministrong nasa tribuna ay puro katiwalian ang ginagawa.

    Panalangin na lang po namin sa Dios kung KAILAN niya tatapusin ang lahat ng mga ito. Tulungan niyang lagi ang mga magigiting na mga ministro na nakikipagbaka sa mga TP/sangunian na patuloy na nanlulupig sa kawan.

    Tulungan mo po Ama sina Ka Lowell Menorca and family, Ka Samson and family at ganoon din po ang pamilya ng yumaong KA EGM – sina Ka Angel, Ka Marc, Ka Lottie at Ka Tennyat at iba pang mga ministro at mga kapatid na nagtamasa ng hagupit ng kanilang mga kamao ng kalupitan at panggigipit. IKAW PO ANG AMING PANGUNAHING ABOGADO. SINASAMPALATAYAN PO NAMIN NA IPAGTATANGOL MO PO SILA AT ANG KABUUAN NG IYONG IGLESIA LABAN SA KUKO NG MGA TIWALING TAGAPANGUNA SA KASALUKUYAN NA TALIWAS SA SIMULAIN NG SUGO SA HULING ARAW AT KA EGM.

    ANG KASALUKUYANG PAMAMAHALA ANG SIYANG UGAT NG PAGKABAHA-BAHAGI AT HINDI SINA KA TENNY AT KA ANGEL.

    Like

  4. Sa mga talagang naghahangad na makasunod sa kalooban ng Dios, isa lang ang mapapayo ko:
    Manalangin at humingi ng gabay sa Kanya. Hingin sa Dios dalhin kayo sa katotohanan. Huwag isara ang isipan na ang INC ang totoong Iglesia. Ang totoong Iglesia kailanman ay hindi paghaharian ng pintuan ng impyerno, ito’y sinabi ng Panginoong Hesus. Hinulaan din ni Jeremias na ang bayan ng Dios sa mga huling araw ay pararamihin at hindi mangangaunti…lahat kabaligtaran ang nangyayari sa INC. Ang Ama ay nakatunghay sa lupa at nag-aabang sa nkakaunawa at naghahanap sa Kaniya. Just be true to your hearts in searching for the truth, makapangyarihan ang Ama at Siya lang ang nakakaalam ng nilalaman ng puso ng bawat tao. Hindi ka malilihis ng landas sa paghahanap kung talagang naghahanap ka ng katotohanan. Dahil Siya mismo ang nag-aabang sa naghahanap sa Kaniya. Nawa’y magkakasama-sama tayo sa loob ng tunay na Iglesia.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s