Ka Allan Montederamos … Ka Ed Javier … at iba pa!

Ito po ay liham na nai-share na sa facebook ng ilang beses, at dapat ko din bigyan pansin kaya dito:

LIHAM MULA SA DISTRITO NG SOUTHWEST, USA UKOL SA KANILANG DISTRICT MINISTER NA SI ED JAVIER

— Mula sa kapatid na ayaw at takot mapangalanan.

Si Ed Javier po ay District Minister ng Southern Midwest. Ang Southern Midwest district po ang sakop ay Texas, Oklahoma, Colorado, Kansas, New Mexico at Mexico. Simula po ng siya ay maging district minister namin ay napakadalas ng “special generous” district offering po kung tawagin nila. Siya po ay gumagamit ng ilang kapatid para magpadala ng pera sa pamilya nya sa Pilipinas.

Siya din po ang nagpakalat kung paano natiwalag ang dati naming auditor na si Allan Montederamos. Napakabait po ni ka allan, isa po siya na makikitang totoo ang pagmalasakit sa mga kapatid. Bigla po siyang natiwalag at ang buo nyang pamilya. Ang sinabi po sa mga maytungkulin at lumaban daw po sya sa pamamahala. Nagulat po kaming lahat ngunit hindi makapaniwala.

Si ka ed javier din po ang nagtsismis sa ilang kapatid na close nya kung bakit itiniwalag si Ka Allan. Dahil si Ka Allan po ay auditor, nang minsang dumating si Jun Santos dito po sa distrito ay kumuha sya ng $11,000 cash sa pondo. Humingi po ng resibo ang Ka Allan at dahil po sa paghingi niya ng resibo ay sya po ay napauwi sa pilipinas at itiniwalag na po kasama ng pamilya nya.

Ang mga kapatid na nilalapitan ni ed javier ay natatakot po na itiwalag sila kaya napipilitang sumunod. Mahilig po si ed javier dumikit sa mga kapatid na mayayaman o yung mga kapatid na kusang nag-aabot ng tulong (pera) sa kanya. Ang sabi pa po ni ed javier ay hindi na siya malilipat ng distrito dahil isa po sa tungkuling niya na iniatas ng sanggunian ay bantayan ang KA TENNY na nagtatago sa dallas.

Sa tuwing umuuwi po si ed javier sa pilipinas ay may engrandeng party po sa bahay nya, nanduon po ang mga sanggunian.

Ang coffee table book po ay ipinilit din sa mga maytungkulin $50 po ang isa. Pinabili din po lahat nga mga maytungkulin noon ng calendaryo $15 ang isa, bawat may tungkulin kailangan 2 ang bibilhin, ng buksan po namin ang kalendaryo ay 2014 po ito para noong centennial….paano po namin magagamit e 2015 na po? Ang Haiyan walk po noon ay $35 bawat isang kapatid…nagtaka po ang marami dahil 2 beses na pong nangolekta para sa mga nasalanta pero dahil po ibig tumulong ng mga kapatid ay nagbayad pa din po kami.

Pakitulungan po ninyo kami na mahayag ang mga maling gawain ni Eduardo “ED” Javier.

. . . . . . . . . .

Eh binentahan pala kayo ng mali at lumang kalendaryo, eh di isauli ninyo! O di kaya eh, di ba may batas sa US tungkol sa hindi tamang pangangalakal, eh di idemanda nyo!

Tingnan nyo nga naman, dahil sa sipsip kay  Jezebelonia, eh na-promote iyang si koyang bilang District Minister. At feeling taga-bantay daw ni Ka Tenny! Hoy koyang bantayan mo ang tumbong mo – at hindi si Ka Tenny – dahil mukhang sobrang dami na ang nagagalit sa iyo dyan! Heh!

Gising na mga kapatid!!

Marami na ang gising, kayo na lang ang hindi!!!

Advertisements

One thought on “Ka Allan Montederamos … Ka Ed Javier … at iba pa!”

  1. Ang aking pakiusap kay PNoy at sa iba pang namamahala ng ating bansa, na huwag kayong matakot na kayo ay hindi iboboto ng INC, dahil watak watak na po ang mga members ng INC. silent protest po ang ginagawa nila, hindi na po sila nag aabuloy, kung mag abuloy man ay singko centimo, pinakamalaki na ang 20 cents. Dahil ninanakaw lang po. Kaya mga kababayang kong senador at mga kandidato sa vice president o presidente. Huwag kayong matakot sa kanila, hindi na susunod ang mga members nila sa botohan sa 2016, magkakanya kanya na po kami mga members ng INC.

    Ang mabuti pa ay papagmultahin ninyo ang mga magnanakaw sa INC at pagbayarin ninyo ng karampatan taxes ang mga sangunian, dahil maraming silang tinatago na pera sa loob at labas ng bansa. Marami silang mga nakaw na pera na tinatago sa loob ng central office. Papayag ba kayo Pinoy Aquino na magnakaw sila, mga sangunian at ang kanilang pinuno at UTAK NG NAKAWAN O MASTERMIND NA SI EDUARDO MANALO.

    Marami pong tinatagong pera si EVM sa Mansion niya at yun iba ay nilalagay niya sa kaha deyero niya sa loob ng central office. Lusubin ninyo ang mga magnanakaw na ito na nagtatago ng limpak limpak na pera o salapi sa loob ng compound ng INC. Huwag ninyong hayaan na mailipad nila ito sa ibang tao o mga dummy na katulad ng ginawa ni Binay na pinagtatago ang mga pera sa ibat ibang tao para di makuha ng Govierno.

    Tandaan ninyo si EVM ang UTAK NG NAKAWAN SA INC. Si EVM ang mastermind ng corruption sa Iglesia ni Cristo.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s