ITO NA NGA BA SI…. AE ???!!!

ITO ANG ANALYSIS NI KA JUN CASTILLO… NA SI PHANTOM AY SI AE!!!

AYON SA KANYANG FACEBOOK PAGE:

“…Kung hindi po ako nagkakamali, inyo pong ituwid kung mali nga, ang lahat ng mga kaganapan sa ating paligid ay nagsimula sa panulat ng isang tao na nagsiwalat ng mga bagay na kanya daw nalaman habang naglilingkod sa ating Tanggapan…

  • Isang aktibo daw na ministro na lubos ang kaalaman sa nangyayari kahit sa kaloob-loobang bahagi ng institusyong ating kinabibilangan…
  • Naglabas ng mga legal na dokumentong sa Tanggapan ng Ingatyamang Pangkalahatan inilalagak…
  • Naglathala ng mga larawan sa mga lihim na dako…
  • Nagbabala ng matinding panganib sa pamilya ng namayapang Tagamahala…
  • At nitong huli, pati pansariling kopya ng resibo ng panunuluyan sa isang dako….

…Sumasang-ayon ako sa pahayag ng marami na ang __ daw ay marami, pero ang marami na tinutukoy ay ang kanyang mga nakumbinsi sa kanyang mga naisulat, di ko sasabihin kung totoo o’ mali, na ang matinding layunin ay hindi upang magtuwid kundi upang paglaban-labanin ang mga hinirang….

  1. Isa pa sa naghahayag ng pagnanais ni Phantom na ilayo sa kanya ang init ng pagsisiyasat at ilipat sa mga “sacrifical lamb” na napili niya na ipahayag na siya daw ay si Boyet… 
  2. … Mabuti pa ang isa sa mga nagcomment — naisip niya na kung si Boyet nga itong Phantom, bakit hanggang ngayon na “under heavy guard” siya ay nakapagpost pa rin siya noong Agosto 16….
  3. Suriin ninyo ang mga panulat ni Phantom. Kahayagan yaon ng isang taong mataas ang pinag-aralan at sanay sa wikang banyaga.…Magaling din si Phantom na magsalita ng Filipino at masasabi kong mas matatas pa siya kay Boyet….  
  4. …Writing style? Superb at above par ang rating ko kay Phantom. Mahusay na magtagni-tagni ng mga salita na parang musika sa pandinig. …
  5. … Alam ko na nakapag-e-English si Boyet pero hindi ganoon kagaling. …
  6. Isa sa mga “sacrificial lambs” ni Phantom ay si Jun Samson. Kilalang kilala ko siya at masasabi pang isa siya sa mga ministrong hinangaan ko noon hindi lang sa paraan ng pagtuturo kundi maging sa integridad….… …Ang pagiging editor-in-chief niya dati sa babasahing Pasugo ay pumapasa din sa pamantayan natin tungkol sa Writing Style. Kaya ang gagamitin natin sa pagsusuri sa kanya kung siya ba ay si __ ay iba – MOTIVE….    May sapat na motibo ba si Jun Samson upang sirain ang karangalan ng Bayan sa pamamagitan ng pag-aawayan at pagkakampi upang makamit ang sentro ng kapangyarihan? Parang hindi ko mapaniwalaan na sisirain niya ang pinaghirapan ng kanyang namayapang ama. Tulad ko, ang mga anak ng tunay na ministro ay patuloy na itataguyod ang simulaing namana namin sa aming mga magulang….  
  7. …Itatanong ninyo: Bakit siya nagsalita nang mga bagay na isinulat nitong ulupong? Paniwalaan ninyo ako o’ hindi, siya man, tulad ng marami ay nahikayat ng matatamis na musika nitong konduktor na nagtatago sa dilim. Ginamit ang pag-ibig ni Jun sa Bayan upang kumbinsihin itong awitin ang komposisyon ng may pakana, wala siyang kaalam-alam na ginagamit lang pala siya sa masama nitong balak….
  8. Nabanggit ko kahapon ang inilabas niyang RESIBO sa pagbabayad sa isang otel. Ang sabi ko, DADALAWA lamang ang pwedeng magkaroon nito: Ang payee – na hotel na doon sila namalagi; at ang Pinagkalooban ng resibo pagkatapos na Nagpanic itong aking amigo at kaagad pinakilos ang kanyang nadaya upang sabihin na guwardiya ang nagbigay dahil sa galit sa mag-asawa. Gusto lang i-divert ang attention ng mga kasama mula sa itinuturo ng ebidensya. napahalagang dokumento. Kasama din ba ang guwardiya sa Taiwan?…
  9. Sa pagpupulong ng mga kawani sa tanggapan ay IPINAGBABAWAL  ang pagdadala ng anumang electronic devices at cellphones. IPINAIIWANAN ang mga iyon sa mga tanod sa pinto. SINO kung gayon ang pwedeng panggalingan ng video recording ng pulong? Huwag mong sabihin sa akin na ang dating SVF. Lalong huwag mong sabihin na isa sa mga empleyada na naglakas loob na dahil galit sa nagsalita. Ni wag mo sabihing isa sa mga nasa Tandang Sora. SINO ba ang maglalakasloob na kunan ng video ang pulong nang hindi nasasaway ng mga guwardiyang nakabantay?. … 
  10. Isa sa mga nailabas na mga dokumento nI Phantom upang mapalakas ang ebidensya ng kabilang panig ay ang mga TITULO ng mga lupa na maayos na nakalatag sa mesa upang kunan ng larawan mula sa isang camera. Kung nakakita na kayo ng titulo ng lupa ay malalaman ninyo na ang laki nito ay gaya ng isang long bondpaper. Kung maaalala ko, ay apat o’ mahigit pa ang magkakasamang kinunan… 
  11. Sino ba itong Phantom na napakalakas ng KAPANGYARIHAN upang pumasok sa VAULT na dala-dala ang camera, ilatag ang mga yaon sa malapad na mesa, at kunan ng larawan nang hindi man lang nasisita? Isang insider lang na nagmamalasakit? Hindi ko maisip na isang karaniwang insider lang ang makagagawa nito….
  12. Si “Fallen Angel” ba si __? kung babasahin ninyo ang mga pahayag ko tungkol sa kanya, sinabi kong maliwanag pa sa katanghaliang-tapat na siya ay isang biktima lang ng mga pangyayari na nilikha nitong Phantom of the Opera. B I K T I M A. HINDI SIYA ANG SALARIN…
  13. Siniyasat ko rin ang naging panulat ni FA upang ikumpara sa gawa ng taong aking hinuhubaran. Basahin ninyo ang huling tula na ginawa nya at mararamdaman ninyo ang PAG-IBIG sa kanyang kapatid at ang kapanabikan sa muli nitong pagdalaw sa kanilang tahanan. Walang balasik, walang GALIT, walang pagdaramdam o’ sama ng loob sa kanyang kapatid na naglapat ng parusa. Taliwas ito kay Phantom sa dahilang ang tao na ito na matagal ko nang itinuturo ay puno ng kapaitan sa kanyang puso dahil sa aniya’y nakikita niyang pananamantala… 
  14. Ang phantom ay may posisyon na nagbibigay sa kanya ng LAHAT NG PAGKAKATAON upang sabihin sa Namamahala ang kaniyang mga natuklasan. Kung tunay na dalisay ang kanyang layunin na iparating ang mga bagay na ito upang tuluyan nang mawala. Subalit sa halip na gawin ito upang mapayapa na masolusyunan at mas ginusto niya na sa lihim na panulat ay iparating sa Bayan. Ang tanong ay bakit? Ano ang motibo niya? Huwag ninyong sabihin na maganda ang kanyang layunin……..”

. . . . . . . . . . . . . . .

https://www.facebook.com/jun.castillo2?fref=ts

Advertisements

3 thoughts on “ITO NA NGA BA SI…. AE ???!!!”

  1. Mr. Lakas, I did have the feeling that the original AE would have fit the description of Mr. Samson, who strikes me as an articulate man proficient in both languages. Age and length of service do match, give or take a few, and so does proximity.

    There is some talk on the usual pages that the post-takedown AE is a different person. They are not sure if he is still the same as there is a departure from tone and writing style.

    That said, anybody who can easily waltz in and out of the vaults of Central to view documents with impunity has to have large cojones if he’s not of a certain rank.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s