Hear Ye, Hear Ye! May Naganap na EMERGENCY MEETING sa USMO!

May mga nag message KAHAPON:

Dumating po si Jun Santos. NAGKAROON PO ng EMERGENCY MEETING SA USMO.

Let me guess, iyang pagbisita nya ay para – magpick-up abuloy, OR para magbenta, OR para balasahin ang mga DM doon. Para magbigay ng bonus?? NAH!!

Nakapagtataka lang dahil – hindi nya dala ang kanilang Airbus (na FYI: kasing mahal ng Phil Arena) -dahil kasalukuyan itong nakapark sa Clark IntL Airport. Malamang ay ginamit nya ang kanilang sekretong Boeing 737 BBJ. At dahil dito, ANG PAKIUSAP KO SA INYO ay: Kapag inyong nai”SPOT”an nyo ang Boeing na yan sa mga airports dyan sa USA, maari lang na ipaalam nyo ang tail number upang sa gayon ay atin din masubaybayan. Aba napakamahal ng Boeing na yan kaya dapat din yan isama sa TANGING TANGING blog ko.

So ngayon ay kasalukuyang nasa USA sya, kaya syempre magpa-plano yan na bumisita sa IBAT IBANG mga lokal. LALO NA syempre yong mga lokal na MALALAKI ang CENSUS – katulad ng karamihan ng lokal sa West Coast. Bakit naman doon lang ba? Eh kasi doon sa MAS malaki ng census ay:

  1. MAS malaki ang PAKIMKIM at
  2. MAS marami ang ABULOY na malilikom.
  3. MAS maraming mabebentahan ng condominiums nya! Remember, Realtor din yan! Pls refer to my KURAKOT BLOG for those of you who are new to the topic. And don’t forget to bookmark it. Thank you.

(Eh kaso, paano kung walang sumamba??? Hehehe)

ABA TEKA AT MAY MGA nagme-message pa!

Ayon sa mga messages, mukhang busy ang marami sa mga kapatid sa BAY AREA at sa mga KARATIG LOKAL sa pagte-TEXT sa mga kapwa kapatid doon dahil natunugan na si Tatang Jun ay magtetexto sa BAY AREA at pati na rin sa isang Bagong Bagong Handog na lokal doon. AT mukhang LITONG-LITO ang kampo ni Tatang Jun Santos at HINDI MALAMAN kung ALIN ang UUNAHIN NA BISITAHING LOKAL! Tsk… Tsk…Tsk…

Sumagot ako sa isang message ng mga kapatid at aking itinanong kung sila ay DADAYO at mag-aattend ng pagsamba sa mga nasabing lokal. Ang sagot sa akin ay, “Kung dadayo po kami sa lokal na yon sa pagsamba, WALA pong IBANG DAHILAN KUNG HINDI PARA MAG-USISA at tingnan kung MAY MUKHA pang ihaharap si Jun Santos sa mga kapatid.”

Kahit dati pa at hindi pa panay ang facial at Belo nyang si Tatang eh makapal na ang mukha nyan.

Ang maipapayo ko lang sa inyo mga kapatid, habang kayo ay nakikinig kay Tatang Jun – sa oras ng pagsamba – ay pigilin ninyo ang inyong mga sarili at…. Huwag nyo naman gayahin yong isang kapatid na nagsisigaw at nagmumura sa loob ng kapilya ng makita nya si Tatang Jun Glycerio Santos sa WebEx!

Ang SUWERTE nyo nga at LAGI si Tatang Jun nagpupunta dyan! BUWAYA yan! Este BIYAYA yan!

Good Luck sa inyo!

…………………………………………………………………………………………………………

https://iglesianicristosilentnomore.wordpress.com/2015/06/

http://karaniwangkaanib.blogspot.fr/?view=flipcard

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #airbusVPCBE #webex

Advertisements

One thought on “Hear Ye, Hear Ye! May Naganap na EMERGENCY MEETING sa USMO!”

  1. Susumpain ang lahat ng lokal na pangangasiwaan nyan… tyak yan ukol sa paghahandugan ang babasahing mga talata nyan

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s