Tanging, Tanging Handugan NA NAMAN??…. Sabi ko na nga ba eh!!

PWEDE BA, BASAHIN NYO ITO NANG MATAUHAN KAYO!. MAS MADALING MAGBASA KESA MAUNTOG SA BATO PARA MATAUHAN LANG NO??!!! Eto ang hango sa isang sulat na pinadala kay Ka Kelly Ong:

“…..Marami ang nagtataka kung bakit halos lahat na ng gastusin sa lokal ay ipinasasagot na sa mga individual na kapatid, mula sa mga mga repair, pagpapapintura, bayarin sa kuryente at tubig, upa sa mga sasakyan, pagbili ng mga kagamitan at maging ang mga pundidong mga ilaw ay inihihingi sa mga kapatid…..”

…….Ang kahayagan po nito ay ang sunod-sunod at walang katapusang paghingi ng TANGING TANGING TANGING HANDUGAN sa loob ng anim na taon mula nang magpahinga ang Kapatid na Erano G. Manalo. Tanging handugan para sa Arena, tanging handugan para sa lingap, tanging handugan para sa nasalanta ng kalamidad sa leyte, tanging handugan para sa binagyo ng (kung saang lugar kaya tuwang-tuwa si Jun Santos kapag may kalamidad), tanging handugan para sa paputok, tanging handugan para sa pagsasara ng centennial, tanging handugan para sa mga sasakyan sa pamamahayag ng distrito, tanging handugan para sa worlwide pamamahayag, tanging handugan para pambayad kay Chris Brown…..

……at bukod pa rito ang malawakang bentahan ng t-shirt,

…….registration fee sa mga kung anu-anong mga proyketo tulad ng family fun day, alumini day, kadiwa-binhi day,

…..bentahan ng coffee table book, sim cards at iba’t-ibang memorabilia ng iglesia.”

…..Walang katapusang kaltas-tulong sa nga nag-oopisina para sa bugas.Pinasok na po pati mga uniporme ng SCAN, DIAKONO at DIAKONESA, barong ng mga Ministro at mga nagmamanggagawa,

…..pati give aways sa mga bata sa pasalamat ay pinasok na rin ng mag- asawang Jun Santos.

…..Ang totoo po ay mas mabilis pa sa pagpapalit ng araw ang pagdami ng mga kalakal o negosyo na nakataya ang pangalan ng iglesia (legal man o illegal).

…..Pinasok na rin po ng Unlad Kabuhayan ang T-shirt factory at sa bawat panahon ay naglalabas ng daan-daang libong mga t-shirts para sa iba’t ibang proyekyto ng iglesia at ang huli ay ang pakikipag kontrata nito Kay Binay at sa maraming mga pulitiko para sa kanilang mga campaign materials kapalit ng boto at pagkakaisa ng iglesia

…..Saan nga po ba naroon ngayon ang ating mga handog? Ano na nga po ba ang mga nangyayari sa ating mga handog? Bakit wala nang pondo ang iglesia? Bakit said na ang laman ng ating mga bangko sa Metro Bank, East West Bank, PNB, China bank at iba pa?

Hindi na po pumapasok sa nga bangko ng Pilipinas ang ating mga salapi! Saan naroon? Saan din naroon ang ating mga salapi na dati ay nasa bangko at nakapangalan sa Iglesia? Ang atin pong mga abuloy ngayon ay nailipat na po sa pangalan ni ka Jun Santos.

Tanungin po ninyo si Ka Erning Suratos, General Treasurer ng Iglesia subalit inutil at walang silbi….. Ngayon ay hindi na ang General Treasurer ang may hawak ng salapi kundi ang General Auditor na at nakapangalan pa sa kaniya…..”

….Kung ang lola ko, naririning yang tungkol sa tanging tanging tanging handugan na yan kahit HINDI nya suot ang hearing aid nya, kayo pa kaya na sobrang linaw ng pandinig???!!!

Gising na, kapatid!!!

………………………………………………………………………………………………………….

(http://karaniwangkaanib.blogspot.com/2015/06/ang-dahilan-ng-pagkaubos-ng-mga-pondo.html?view=flipcard)

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #airbusVPCBE #webex

Advertisements

2 thoughts on “Tanging, Tanging Handugan NA NAMAN??…. Sabi ko na nga ba eh!!”

  1. Bakit hindi ninyo tanungin si EVM. Siya ang puno.

    Kung biglang bababa ang ating Panginoong Jesu-Cristo ngayon mula sa langit ay baka hindi hambalos ang abutin nina ka EVM at GJJr dahil sa mga negosyong ginagawa nila at sa loob pa ng temple/or bahay sambahan ang transactions. Noong nandito pa si Cristo sa lupa, nagtitinda lang ang mga tao sa harap ng temple ay pinaghahambalos na niya ang mga nagtitinda, lalo na sina GJJr. nasa loob ng temple at nangunguna pa. Baka hindi lang hambalos ang abutin ng Sangoonian. Iyan ba ang mga ministro na dapat manguna sa INC? Sila ang unang lumalabag sa Utos sa Biblia na dapat nilang ingatan. Para silang lobong maninila na nakadamit tupa – puro paimbabaw.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s